April 1, 2016

Sa paglakbay

Sino nga ba ang nag-sabi sa ating
baligtarin ang damit sa paglakbay
upang hindi mawalay sa paroroonan?
Ang kalupaan ba talaga'y hindi
nabibigatan sa pagkarga at pagpasan
sa mga hakbang nating nambubulabog
ng katahimikan nito?
Aba'y, heto na naman ako;
parating nagbabakasakali. 
Parating naghihintay ng senyales
mula sa Diyos ng pagasa at pangako.
Nga pala, hindi ba'y nangako ka na
tayo'y magkikita sa dulo?
Kaya heto akong nanghihingalo,
kumakapit sa kung ano mang makakapitan,
nakikinig na lamang sa mga direksyon
ng mga estrangharo na tila hindi
matanaw kung saan ako patungo.
Malapit na ba?
Malayo pa ba?
Naasaan ka na?
Makakarating ka kaya?

- - - - - - - - - -
My second attempt on Filipino Poetry. My first one, entitled "Pagod Na 'Ko" is too embarrassing to post. Please bear with me.