Pasensya na kung lahat ng sinusulat ko sa kasalukuyan ay patungkol sayo.
Alam kong hindi mo ginustong gawin sakin ito, ngunit heto ako;
hindi nga basang-basa sa ulan pero lunod naman sa tanong na,
"saan nga ba kasi nagkulang?"
Mali bang maghangad ng isang bagay na alam kong akin naman nang una pa?
Pero, sabihin mo lang kung kinakapalan ko lang pala ang mukha ko.
Baka kasi iba ang rinig ko sa mga salitang binitawan mo.
Sa bawat ungol ng 'yong bibig ay namumulaklak ng hindi ko maintindihan;
ang bunga ba ay magiging tayong dalawa sa huli,
o hanggang ugat lang pala ang mga pangako mong sinambit?
Mga munting sala-salabid at nakabaon sa ilalim.
Masalimuot at hindi na mapapalabong pa ang uri.
Hanggang dun na lang sa kung saan ko sila natagpuan, at kung saan mo sila pinabayaan.
Sa tuwing yakap ko naman sa iyong bisig tila nalilimutan ang pangalan.
Tila nalilimutan kung saan ang pinagmulan,
tila nalilimutan ang emosyong pilit pinahihintulutan.
tila nalilimutan ang emosyong pilit pinahihintulutan.
Nalilimutan rin kung paano tayo umabot sa puntong ayoko na
subalit patuloy pa rin ang paglingon sayo.
subalit patuloy pa rin ang paglingon sayo.
Sa iyo na pilit ko nang lumalayo.
Kasi, hanggang dito lang naman ang kaya ko.
Kasi, pilit mo lang din akong pinapahinto.
Ikinahihiya ko na ngang magsalita nang ganito.
Baka maisip mo, "heto na naman siya,
kailan niya ba matatanggap na wala naman akong maiaaro sakanya?
Na, kung sa akin lang ay wala naman siyang mapapala?"
Hindi ka nagkakamali.
Pero, hilig ko lang kasing humawak ng babasagin,
saka mambitaw nang ganung kadali.
Katapos ay hahagulgol sa sugat na dinulot ng bubog na kaunti.
Hilig ko lang kasing halikan ang mga labi mong pansamantala,
namamagasang magbago ang mga isipan nila.
Na manatili ka pa nang saglit, kahit hanggang sa pumanaw lang ang dilim.
Kahit ang mga tala lang ang aabutin. Huwag na ang buwan,
alam ko namang hindi mo kakayanin
kahit pa at lalo na kung para sa akin.
Hindi mo nga ginustong iparamdam sa akin ang pait,
at hindi ko rin naman ginustong maakit sa pantasyang
tayong dalawa ang magkatabi.
Hindi mo nga ginustong iparamdam sa akin ito, kaya pasensya na.
Pasensya na kung nagigipit na ang pagtingin mo sa 'king mga mata
kasi baka mahulog lang ako nang 'di ko sinasadya.
Pasensya na kung lahat ng ito ay sumasagwil
sa natural mong pakikisama sa akin.
Kasi kaunting galaw mo lang ay nabibigyan ko na ng ibang pagtingin.
Pasensya na kung ayaw mo na lang magsalita,
kasi lahat ng binibigkas mo ay
napagkakamalan kong mabigat sa aking pagunawa.
Pasensya na kung mahirap na akong suyuin
kasi mahirap na rin akong intindihin.
Pasensya na, mahal.
At pasensya na rin dahil mahal kita.