January 10, 2021

sa mga lumipas na araw

 

Sa palagay ko, may mga panahon talagang nakakalimutan nating magsulat.

Hindi ko alam. Ang huling tulang sinulat ko noong 2017 pa, o baka hindi ko lang cino-consider na tula ang mga nasulat ko katapos ng piece na yon. Nakahiligan kong magsulat ng pelikula nang nakilala ko pa sarili ko nung Senior High School (2016). Hindi naging mahirap ang paga-adjust from poetry to screenplay para sakin. Actually, parang all along sa pagsulat ng pelikula ko pala mas naibabahagi ang sarili ko.

Nakakahiyang maging vulnerable, pero natutunan ko na yun lang ang tanging paraan para maging matapang.

Ito ang unang attempt ko sa pagsusulat nang mas malaya. Walang boundaries. Walang pakealam kung may mali sa grammar. Sa mga lumipas na araw, natutunan ko na ang pagsusulat ay pagku-kwento. Pagbabahagi ng sarili. Ito na yun. Good luck sa akin.